News
Phl Cuppers angat, 2-0

Kinumpleto ni PH No. 1 Ruben Gonzales, Jr. ang pag-sweep sa unang dalawang singles matches nang patiwarikin si Syrian No. 2 Marc Abdelnour, 6-4, 7-6, 6-2, sa Davis Cup Asia-Oceania Group II first round tie sa Plantation Bay Spa and Resort sa Lapu-Lapu City kamakalawa ng gabi.

Tinuloy na rin ang nabanggit na laban maski ginabi na makaraang ilang oras na ulanin ang una sa may tatlong araw na best-of-five playoffs kung saan ang mamamayagpag at talunan dito ang mga haharap sa mangingibabaw o lalagpak din sa Kuwait at Thailand sa second round sa Abril 5-7 sa pagpapasyahan pang venue.

Unang pinoste noong Huwebes din ni PH No. 2 player Johnny Arcilla ang 1-0 abante para sa bansa nang maipuslit ang 6-4, 5-7, 6-1, 6-2 desisyon kay Syrian top netter Issam Haitham Taweel.

Humahambalos pa kagabi sa doubles match sina Treat Conrad Huey at Gonzales na pinalit kay Vicente Elberto Anasta laban kina Marc Abdelnour at Taweel na huling minutong nirelyebo rin kay Majdi Salim hanggang presstime.

Ngayon naman ihahatag ang reverse singles ni Gonzales para kay Taweel at ni Arcilla kontra Abdelnour, na puwede ring mapalitan depende sa magiging resulta ng lone doubles match.

May dalawang beses nang bumalandra ang Filipino Cuppers sa sinasabi ng ilan na malas na lugar na ito noong 2011 Group I tie kontra Chinese-Taipei (3-2) at Japan (3-1) sa huling taon ni ex-stalwart Cecil Mamiit.

Source: http://www.abante.com.ph/issue/feb0313/sports06.htm#.URSdj1ehwZQ

Copyright © PJ LHUILLIER GROUP OF COMPANIES. All rights reserved