News
PHL, nakadale sa Asia-Oceania Davis Cup

Bulgar
February 3, 2013

NAILISTA ng Pilipinas ang pambungad na 2-0 abante sa Syria sa 2013 Asia-Oceania Davis Cup Group II best-of-five tie na ginaganap sa Plantation Bay Resort and Spa sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Naging matatag na sandalan ng pambansang koponan ang matikas na inilaro nina Johnny Arcilla at Filipino-American Ruben Gonzales para makalapit sa inaasam na panalo laban sa Syrians.

Ginimbal ng 31 anyos na si Arcilla ang No. 1 Syrian netter na si Issam Taweel sa bendisyon ng 6-4, 5-7, 6-1, 6-2 panalo sa first singles match.

Nagparamdam din ng lakas si Gonzales nang patumbahin ang Syrian No. 2 bet na si Marc Abdelnour sa iskor na 6-4, 7-6 (1), 6-2 sa ikalawang singles match.

Nakatakda ang doubles match Sabado ng gabi kung saan ipaparado ng Pilipias ang world ranked No. 35 na si Filipino-American Treat Conrad Huey kasama ang beteranong si Elbert Anasta.

Copyright © PJ LHUILLIER GROUP OF COMPANIES. All rights reserved