News
PH Davis Cupper umabante sa 2-0

Bandera
February 3, 2013

IBINIGAY ng number one netter ng bansa Fil-Am Ruben Gonzales ang halos din matitinag na 2-0 kalamangan laban sa Syria sa Davis Cup Asia-Oceania Zone Group II opening tie nang patabuin si Marc Abdelnour, 6-4, 7-6(1) 6-2, na nilaro noong Biyernes ng gabi sa Plantation Bay Resort and Spa clay court sa Lapu-Lapu City.

Ang panalo ay nangyari manaig ang number two player ng bansa na si Johnny Arcilla laban sa number one player ng bisitang bansa na si Issam Haitham Taweel,6-4, 5-7, 6-1, 6-2.

Sa pangyayari, kailangan na lamang ng host country na dominahin ang doubles match na ginanap kagabi.

Nominado sina Fil-Am Treat Huey at Elbert Anasta laban kina Abdelnour at Majdi Salim pero ang mga koponan ay maaring magpalit ng tao isang oras bago ang aktuwal na tagisan.

Bagamat lamang, hindi naman nagkukumpiyansa ang kasapi ng koponan upang hindi mapurnada ang hanap na makaabante sa second round.

“We still have along way to go. Having a 2-0 is better than 1-1 or down at 0-2. But the tie is far from over. We still have to beat them in the doubles and hopefully we can close them out,” wika ni Gonzales.

Kung maisakatuparan ang misyon, ang reversed singles ngayong hapon na sisimulan sa ganap na alas-3 ng hapon ay papaigsiin sa best-of-three series.

Nominado sa unang laro si Gonzales laban kay Taweel habang ang ikalawang tagisan ay sa pagitan nina Arcilla at Abdelnour. – Mike Lee

Copyright © PJ LHUILLIER GROUP OF COMPANIES. All rights reserved