News
TIGERS NASINAG NG CEBU GEMS

Pilipino Mirror

DINAIG ng Cebuana Lhuillier Gems ang Powerade Tigers, 90-64, kahapon sa 2012 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni Vic Manuel, ang kasalukuyang MVP, ang Gems sa natipang career-high 30 puntos at pitong rebounds at patatagin ang kapit ng Cebuana sa ikalawang puwesto tangan ang 6-2 karta sa likod ng wala pang talong NLEX Road warriors.

Ipinoste ng Gems ang 11 points na kalamangan sa second period hanggang makabawi ang Tigers at pailipat ang iskor sa 52-59 pagtatapos ng first half bunsod sa magkakasunod na baskets nila Claude Cubo at Alvin Padilla.

Muling rumatsada ang Gems pagdating ng third at tuluyang iniwanan ang Tigers sa huling yugto buhat sa apat na sunod na tres ni Lester Alvarez, na kumana ng kabuuang 15 puntos. Sa unang laro, binigo ng Erase Placenta ang Boracay Rum, 69-66.

--ALFRICK CRUZ

Iskor:

CEBUANA LHUILLIER 90- Manuel 30, Alvarez 15, Taha 11, Celada 7, Hayes 6, Lozada 66, Exciminiano 5, Almazan 2, Pagente 0, Magahas 0.

JR POWERADE 64- Cubo 17, Lopez 12, Padilla 10, Silungan 9, Gamboa 8, Hipolito 4, Juruena 2, Manuel 2, Gingerich 0, Reyes 0, Escueta 0.

Quarters: 24-10, 41-28, 59-52, 90-64



Copyright © PJ LHUILLIER GROUP OF COMPANIES. All rights reserved